Sebastián Zurita as Dylan
Episodes 7
Part 1: Black Fire Orchid
Nang makaligtas si Alice Hart, siyam na taong gulang, sa nasunog nilang tahanan, dinala siya ng kaniyang lolang si June sa Thornfield na isang malayong probinsiyang ari-arian na puno ng mga hardin at ng mga sikreto.
Read MorePart 2: Wattle
Sa pagdating ni Alice sa Thornfield, tatanggapin siya ng kaniyang 'tita' Candy Blue at ng The Flowers – ang mga babaeng nanirahan sa Thornfield. Kahit pa tinatanggi ni June na tumira ang ina ni Alice na si Agnes sa Thornfield, nararamdaman pa rin ni Alice ang presensya ng kaniyang ina.
Read MorePart 3: Lantern Bush
Nang makapagsalita na sa wakas si Alice, humihingi siya ng kasagutan tungkol sa kaniyang pamilya. Imbes na sagutin ang apo, gumawa si June ng mga kasinungalingan upang itago ang masakit at nakakahiyang nakaraan.
Read MorePart 4: River Lily
Nang makakuha ang 24-taong-gulang na si Alice ng ebidensya na nagpapatunay sa lahat ng kasinungalingan at pangmamanipula ng kaniyang lola, umalis na siya sa Thornfield upang mamuhay sa disyertong bayan ng Agnes Bluff.
Read MorePart 5: Desert Oak
Hinahanap ni Twig si Alice habang kinukumpronta naman ni Candy si June tungkol sa nakaraan. Sa Agnes Bluff, naniniwala si Alice na nakahanap na siya ng isang taong nakaiintindi sa kaniya at mapagkakatiwalaan niya nang makilala si Dylan.
Read MorePart 6: Wheel of Fire
Hinarap muli ni Twig ang kaniyang kultura at sariling pangungulila habang malayo siya sa kalupitan ng Thornfield. Natuto nang magsabi ng totoo si June habang ang mga panaginip ni Alice tungkol kay Dylan bilang karelasyon ay naging bangungot.
Read MorePart 7: Sturt's Desert Pea
Nasa sukdulan na ng pisikal at emosyonal na paghihirap si Alice, pero sa pamamagitan ng paglaban sa mga kinahaharap niya, at sa pagkatutong magmahal at magpatawad ng sarili at ng pamilya, nakahanap siya ng lakas upang gamitin na ang kapangyarihan ng sarili niyang boses.
Read More