Habang nagtatago sa Hokkaido, sinagip ni Juzo ang ilang biyahero laban sa isang oso. Pero napansin ng isang ilegal na grupo ang galing niya sa pakikipaglaban.
Pagkatapos talunin ang karate master na si Ichiro, muntik nang mahuli ng mga pulis si Juzo. Inilalantad siya ng kung sino sa mga martial artist na gusto siyang kalabanin.
Tinuturuan ni Ranbo si Joze na hindi man lang makatira ng kahit isang suntok o sipa. Hinarap ni Juzo ang bumabagabag sa kanya at napaisip tungkol sa malagim na nakaraan.
Nakaharap ni Juzo ang misteryosong Sarhento, na nam-blackmail sa kanya para sumali sa underground tournament na KODOKU kung saan pinipilit siyang makipagbugbugan.
Sa gitna ng unang laban ni Juzo, tinira siya ni Ryuoumaru nang matindi na hindi gaya ng mga tradisyonal na sumo move—at lumabas ang itinatagong lakas ni Juzo.
May sikretong sandata ang dating King of the Cage na si Mifune: ang anak niya. Dapat madaig ni Juzo ang kakayahan ni Kaito na magbasa ng moves para makaabot sa finals.
Sa kagustuhang magkaroon ng pambihirang lakas, nakarating si Bunshichi sa Takemiya dojo. Magtatapat na sana si Juzo kay Saeko—pero naging hadlang si Himekawa.
Matira, matibay: si Juzo Fujimaki laban kay Tsutomu Himekawa. Ang Takemiya style laban sa Hokushinkan school. Nakahanap na kaya ng katapat ang lone wolf?