Epizode 50
Bakal at Dugo
Na-assign si Mikazuki at ang ilan pang miyembro ng Chryse Guard Security sa pagprotekta kay Kudelia sa kanyang misyon sa Earth.
Pročitaj višeBarbatos
Sakay ng Barbatos mobile suit, hinarap ni Mikazuki ang pag-atake ng Gjallarhorn, pero humantong ang labanan sa hindi mabilang na patay sa CGS.
Pročitaj višeMaluwalhating Kamatayan
Pinangunahan ni Orga ang pag-aalsa para maging pinuno ng CGS, pero bago niya mapagpasyahan ang susunod na gagawin, nagbalik ang Gjallarhorn at gusto nila si Kudelia.
Pročitaj višeAng Presyo ng Buhay
Bumuo ang Tekkadan ng kumplikadong ruta para i-escort si Kudelia papunta sa Earth nang hindi napapansin ng Gjallarhorn. Nakarating sina McGillis at Gaelio sa Mars.
Pročitaj višeSa Likod ng Pulang Langit
Sa unang misyon nila, nagsimula nang pumunta sa Earth ang Tekkadan kasama ni Kudelia. Pero bago sila makalayo, na-ambush sila ng Gjallarhorn.
Pročitaj višePara sa Kanila
Para makarating sa Earth nang hindi nakikita ng Gjallarhorn, humingi ang Tekkadan ng tulong sa Teiwaz, isang conglomerate mula sa Jupiter na mahusay sa pag-smuggle.
Pročitaj višeWhaling
Nakaharap ng Tekkadan ang isang maliit pero impluwensyal na organisasyong nauugnay sa Teiwaz na kilala bilang Turbines.
Pročitaj višeAng Anyo ng Pagkikilala
Habang nagnenegosasyon sa deal nila, sinabi ni Naze kay Orga na masyadong mapanganib para sa Turbines ang pag-smuggle kay Kudelia. Kailangan nilang dumiretso sa Teiwaz.
Pročitaj višeSakazuki
Dinala ni Naze ang mga miyembro ng Tekkadan kay McMurdo Barriston, ang pinuno ng Teiwaz. Doon, may nakakagulat na alok si Orga.
Pročitaj višeLiham mula sa Hinaharap
Nagsimula na ang Tekkadan at Turbines sa pagpunta sa Earth habang naiwan si Mikazuki para sa final adjustments sa Barbatos mobile suit.
Pročitaj višeHuman Debris
Habang nagpapatrol, inatake sina Akihiro at Takaki ng mga pirata na target ang lugar sa gitna ng Earth at Mars.
Pročitaj višeThe Shoals
Pagkatapos malamang isa sa mga piratang umaatake sa kanila ang matagal nang nawawalang kapatid ni Akihiro, sinubukan siyang iligtas ng Tekkadan para sumali sa kanila.
Pročitaj višeLibing
Natapos na rin sa wakas ang sagupaan laban sa mga pirata, pero maraming nasawi sa lahat ng panig. Ipinagluksa ng mga buhay ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.
Pročitaj višeSisidlan ng Pag-asa
Humingi si Kudelia kay Fumitan ng payo sa relasyon. Sa wakas, nakikita na ng Tekkadan ang Earth, ang kanilang huling destinasyon.
Pročitaj višeBakas ng Yapak
Tulad sa Mars, nahaharap ang colony sa napakalaking hindi pagkakapantay-pantay ng yaman na humantong na sa pag-aalsa ng mga manggagawa.
Pročitaj višeFumitan Admoss
Marahas na sinubukang sugpuin ng Gjallarhorn ang pag-aalsa ng mga manggagawa, at naipit sa gitna nitong lahat si Kudelia.
Pročitaj višeAng Pasya ni Kudelia
Pagkatapos masaksihan ang pagsugpo ng Gjallarhorn sa mga manggagawa, napagpasyahan ni Kudelia na hindi na lang Mars ang ipalalaban niya, pero pati na rin ang mga colony.
Pročitaj višeBoses
Nag-broadcast si Kudelia ng mensahe tungkol sa katotohanan sa panunupil ng Gjallarhorn, na nagdulot ng public pressure at paghinto sa karahasan.
Pročitaj višeBigat ng Hiling
Nagsimula nang makarating sa Earth ang Tekkadan, pero nakaharang sa kanilang landas ang puwersa ng Gjallarhorn at nagsimula itong umatake.
Pročitaj višeKapatid
Sa wakas, nagtagumpay ang Tekkadan sa paghatid kay Kudelia sa Earth. Sinamahan nila siya sa isang pagkikita kay Togonosuke Makanai, na napag-alaman nilang isa nang exile.
Pročitaj višeAng Babalikan
Pumayag si Orga na i-escort sina Makanai at Kudelia papunta sa Edmonton, pero habang naghahanda para sa pag-alis, inatake sila ng Gjallarhorn.
Pročitaj višeHindi Pa Nakakauwi
Bagama't maraming nasawi sa kanilang bakbakan laban sa Gjallarhorn, disidido ang Tekkadan na pumunta sa Edmonton.
Pročitaj višeAng Huling Kasinungalingan
Habang sinusubukan ni Carta na pigilan ang Tekkadan sa pagpunta nila sa Edmonton, piniloto ni Mikazuki ang Barbatos at siya mismo ang humarap sa kanya.
Pročitaj višeGantimpala sa Hinaharap
Nakarating na si Orga at ang Tekkadan sa Edmonton, pero kahit doon, naghihintay ang Gjallarhorn para umatake.
Pročitaj višeTekkadan
Nakarating sina Kudelia at Makanai sa parliament bago ang takdang oras. Sakay ng Barbatos, hinarap ni Mikazuki si Ein nang mag-isa.
Pročitaj višeBagong Salta
Habang nasa kanyang misyong samahan si Kudelia sa inspeksyon sa minahan, kinailangang harapin ni Orga ang biglaang pag-atake ng isang grupo ng mga space pirate.
Pročitaj višeSa Gitna ng Selos
Sakay ng Barbatos, nilabanan ni Mikazuki ang Dawn Horizon Corps. Pero target na ngayon ng malaking space pirate organization ang Tekkadan.
Pročitaj višeAng Laban bago ang Bukang-liwayway
Bagama't mayroon pa rin siyang mga pagdududa, pumayag si Orga sa pakikipagtulungan sa Gjallarhorn sa paghuli kay Sandoval Reuters, ang pinuno ng Dawn Horizon Corps.
Pročitaj višeAng Simula ng Tagumpay
Hinarap nina Orga at Mikazuki si Allium tungkol sa pag-atake ng Dawn Horizon. Pumunta si McGillis sa Mars headquarters ng Gjallarhorn nang may proposal para sa Tekkadan.
Pročitaj višeInagurasyon ng Arbrau Defense Forces
Bilang external security, naghanda ang Earth branch ng Tekkadan para sa inaugural ceremony ng paglulunsad ng Defense Force ng Arbrau.
Pročitaj višeTahimik na Digmaan
Nang may backup mula sa puwersa ng Gjallarhorn, nakipaglaban ang SAU sa Arbrau, nang may suporta mula sa Tekkadan.
Pročitaj višeAking Kaibigan
Sumali sa labanan si McGillis para wakasan ang stalemate. Kusa siyang hinarap ni Takaki, nang hindi alintana ang malaking panganib sa kanyang sarili.
Pročitaj višeKadakilaan ng Mars
Winakasan na ng SAU at ng Arbrau ang kanilang laban at nakipagnegosasyon para sa kapayapaan, at umalis ang Tekkadan sa Earth.
Pročitaj višePagsikat ng Vidar
Sa pulong kasama ng mga pinuno ng Teiwaz, may dalang balita si Naze ng deal sa pagitan ni McGillis at ng Tekkadan. Pagkatapos, sinabihan ni Naze si Orga na mag-ingat.
Pročitaj višeKalamidad ng Paggising
Ang kakaibang nahukay ng Tekkadan ay posibleng may dalang malaking panganib na hindi nila inakala. Pumunta si McGillis sa Mars para magsiyasat.
Pročitaj višeNabahirang Pakpak
Umatake ang nabuhay na mobile armor sa isang mataong lugar. Sinubukan itong pigilan ng Tekkadan, pero wala silang kalaban-laban.
Pročitaj višeLaban para sa Chryse
Sinubukang humingi ng tulong ni Orga kay McGillis. Parehong pumalya ang mga mobile suit nina Mikazuki at Akihiro habang hinaharap ang mobile armor.
Pročitaj višeTagapuksa ng Anghel
Mag-isang hinarap ni Mikazuki ang mobile armor, at nagtamo siya ng matinding pinsala. Nagpakita si Orga ng kanyang katapatan kay McMurdo.
Pročitaj višePayo
Nagpaalam na ang kababaihan ng Turbines sa Tekkadan. Pagkatapos, binalikan nina Naze at Amida ang una nilang pagkikita at ang pagbuo nila sa Turbines.
Pročitaj višeLiwanag ng Araw
Itinalaga ng Gjallarhorn na ilegal na organisasyon ang Turbines. Binuwag ni Naze ang grupo at hiniling niya kay McMurdo na kupkupin ang mga iniwan niyang kababaihan.
Pročitaj višeNatural para sa Tao
Malaki ang nawala sa Tekkadan at Turbines. Nagpaalam si Lafter kay Akihiro. May biglaang proposal si Mikazuki kay Atra.
Pročitaj višeKasunduan
Nahihirapan ang JPT Trust sa kanilang sagupaan laban sa Tekkadan, at napahingi ng tulong si Jasley kay McMurdo. Pero walang intensyon si tatang na magbigay ng tulong.
Pročitaj višeNasiwalat na Layunin
Namuno si McGillis ng kudeta laban sa mga miyembro ng Seven Stars at kinuha niya ang Earth headquarters ng Gjallarhorn. Ibinunyag na ni Vidar kung sino talaga siya.
Pročitaj višeAng Mayhawak sa Kaluluwa
Brinoadcast ni Rustal ang lahat ng kasamaang ginawa ni McGillis at inanunsyo niya ang layunin niyang pigilan nito. Naghanda ang Tekkadan sa pagharap sa Arianrhod fleet.
Pročitaj višeKung Ito na ang Dulo
Hinarap ni Mikazuki ang determinadong Julieta sa matinding sagupaan ng Tekkadan laban sa Arianrhod fleet.
Pročitaj višePara Kanino
Sa paglobo ng bilang ng mga nasawi, umatras ang Tekkadan at bumalik sa Mars. Sinagip ni Gaelio ang malubhang sugatang Julieta.
Pročitaj višeScapegoat
Nalaman ni McGillis na may parusang katapat ang kanyang ginawa, at itinuturing na ngayong kriminal na organisasyon ang Tekkadan.
Pročitaj višePangako
Nang pursigidong linisin ang nadumihan nilang reputasyon sa pamamagitan ng pagdurog sa Tekkadan, pinalibutan ng Gjallarhorn ang headquarters ng Tekkadan sa Mars.
Pročitaj višeMcgillis Fareed
Bagama't nagluluksa, hindi nawalan ng pag-asa ang mga miyembro ng Tekkadan. Sinimulan ng Gjallarhorn ang kanilang pag-atake sa base ng Tekkadan.
Pročitaj višeAng Kanilang Lugar
Malapit nang magwakas ang laban sa pagitan ng Gjallarhorn at Tekkadan. Bagama't maraming nasawi, posibleng may paparating na bagong yugto ng kapayapaan.
Pročitaj više