Sa kabila ng tulong ng mom niyang si Jean, na sex therapist, at pampatibay ng barkadang si Eric, nag-aalala si Otis na hindi niya kayang makipag-sex. Hindi siya nag-iisa.
Dahil sa pangungumbinsi ni Maeve -- at sa realization na mahirap palang magbigay ng sex tips -- sinubukan ni Otis na magbigay ng free advice sa house party ng classmate.
Patok ang clinic ni Otis, at umarangkada rin ang pagkagusto niya kay Maeve, na humingi sa kanya ng tulong. Nag-swing nang mag-isa si Eric na nauwi sa hindi inaasahan.
Na-realize ni Eric na napaibig na si Otis kay Maeve. Pero hindi alam ng batang sex therapist ang gagawin nang humingi sa kanya ng tulong si Jackson sa secret crush nito.
Napunta sa spotlight ang isang mean girl dahil sa isang larawan. Gustong tugisin ni Maeve ang salarin, na nagtulak kay Otis na gumawa ng mahirap na pasya.
Na-isolate si Eric ng trauma niya, at nanalo ng premyo ang essay ni Maeve. Sinubukang makipag-hook up ni Otis kay Lily, pero naging sagabal ang malalalim niyang problema.
Lumabas sa sayawan ang best, at ang drama, sa student body ng Moordale. Nakahanap ng ka-date si Otis, nakakuha ng susuotin si Maeve, at may magarbong pagbabalik si Eric.
Parang na-violate si Otis sa bagong libro ni Jean, at sinalo ni Maeve ang kuya niya. Nakasama ni Eric ang dating kaaway sa detention, at nagtaksil ang katawan ni Lily.
Masturbation pala ang secret talent ni Otis, pero makokontrol niya ba ang pagkagusto niya kay Ola? Na-distract ang student body sa pagkalat ng chlamydia.
Pagkatapos ng cringey appearance ni Jean sa school, sinubukan ni Otis na pasiyahin si Ola -- at payuhan ang isang malas na guro. Bumigay ang walang takot na si Maeve.
May kasuklam-suklam na nangyari kay Aimee sa bus pupunta kay Maeve. Nakipag-bonding si Rahim kay Eric habang nagiging napaka-awkward ng Milburn family dinner.
Gustong dumiretso ni Ola pero nag-aatubili si Otis. Kailangan ng space nina Jean at Maeve. Nag-aalala si Jackson sa performance, at nag-reconnect ang star-crossed lovers.
Nagpahinga sa romance sina Otis at Eric para magbakasyon sa gubat kasama ni Remi. Pero may mga pagkukulang ang mga magulang, alam ito ni Maeve. Sinunod ni Ola ang puso.
Walang magagawa kundi bumangon, kaya nag-organisa si Otis ng maliit na pagtitipong nauwi sa gulo, at hinarap ni Jackson ang paggaling. Sino ang sisikmura sa katotohanan?
Welcome sa morning after. May malaking kalat na ginawa ang “sex kid” -- at hindi niya mapigilang sumuka. Nagkagulo ang klase, at nag-bonding ang mga babae sa detention.
Mukhang wala nang talab ang talking cure habang inaayos nina Otis at Jean ang kanilang mga problema. Nakarating ng finals si Maeve. Walang tatalo sa sexy Shakespeare.
Ang pinakamahaharot ng Moordale ay nagbalik — sa iba't ibang paraan. May bigote at tinatagong lihim si Otis. Umamin na si Jean. May head teacher na dumating.
Nagbalik ang mga makeover nang may magnetic revamp si Ruby kay Otis at binawasan ni Hope ang kulay sa paaralan. Samantala, inalam nina Eric at Adam ang tamang puwesto.
Narito na ang uniforms at bawal na ang self-expression. Naglabas ng emosyon si Aimee tungkol sa assault at nag-bonding sina Jackson at Cal, isang cool nonbinary student.
Sa liwanag ng araw, puwede bang maging intimacy ang sex, at vice versa? Napaurong si Ruby kay Otis. Lumapit si Maeve kay Isaac. Ikinairita ng Moordale ang abstinence.
Nagsalubong ang tunay na kasaysayan at ang tunay na awkwardness sa France nang may duming tumama sa windshield. May bumalik na pag-ibig. Kumulo ang dugo ni Jean.
Ito na nga: Natanggap ni Maeve ang balita, na-reveal ni Aimee ang kanyang vulva cupcakes at iba pa, at binaybay ni Eric ang buhay Nigerian. Sumosobra na si Hope.
Bagong araw at walang kasiguraduhan ang kinabukasan ng Moordale. May nasabi si Aimee. Umamin si Eric. Dumalaw sa ospital si Otis. Naging mas mahalaga ang pagiging tapat.
Nakaaway ni Maeve ang isang bugnuting propesor. Habang magkalayo, lalo kayang titibay o sasablay ang relasyon nila ni Otis? Na-"Huli Ka Balbon!" ang pangarap na nude.
Nang magkaproblema ang isang sikat na couple, nakakita ng opportunity si Otis. Nakahanap ng community si Eric. Napaisip si Jackson sa sexuality niya matapos masorpresa.
Nasira ang loob ni Maeve dahil sa mapanakit na review. Nagkasundo ang buhay-binatang sina Adam at Michael. Tinulungan ni Ruby si Otis sa campaign niya—at sa pag-iisa.
Dahil sa isang trahedya, may nagbalik sa Moordale. Kaaway pa talaga ni Otis ang nakatulong kay Jean. Nagmiron si Ruby. Niyaya ni Aisha si Cal na mag-date—pero may twist.
Nahihirapan si Jean na makahanap ng joy sa motherhood. Kakayanin kaya ni Otis na pagsabayin ang maiinit na debate at date nila ni Maeve? May identity crisis si Jackson.
Mahirap talagang magpaalam pero medyo sabog 'to. Sa kabila ng matinding emosyon, nahanap pa rin ni Maeve ang mga tamang salita. Na-inspire si Aimee; nagpakatotoo si Eric.
Nang masira ang elevator, nagkaisa ang lahat para kumilos. Lumala ang away ng magkapatid na matagal na nilang kinikimkim. Ginawa ni Maeve ang tama—at ang gusto niya.
Hinanap ng buong Cavendish si Cal. Inalam ni Eric ang calling niya at natuklasan ni Jackson kung sino siya. Gaya ng pag-ibig, marami ring anyo ang katotohanang lalabas.