Nang mapatay ang tatay niya, lumipat si Ana sa Galicia para gumawa ng sariling imbestigasyon sa nakaraan nito. Nakilala niya si Daniel, ang tagapagmana ng drug empire.
Ayaw ng mga Padín na masangkot si Marco sa business nila. Matapos ma-secure ang deal kay Daniel, sinimulang imbestigahan ni Ana ang maraming kuwestyunableng gawain nito.
Sumama si Ana sa maluhong business trip ni Daniel at nakakatensyon ang pag-uusap nila ni José Padín. Nag-alala ang clan sa relasyon nina Marco at María.
Pagkalaya ni Samuel, tumindi ang tensyon pati imbestigasyon ng pulisya. Tumulong si Ana sa susunod na operasyon ng clan pero malinaw sa isip niya ang totoo niyang plano.
Naging sentro na naman ng atensyon si José Padín nang di-sinasadya. Nagkagulo sa bayan dahil sa pamamaril at napilitan si Ana na palitan si Daniel sa isang misyon.
May plano si Daniel sa kinabukasan nila ni Ana, at nag-imbestiga si Nazario sa nakaraan ng abogada. Natuklasan ng mga Padín na may nagtatraidor sa kanila.